Monday, August 1, 2011

Featured Blogger: Mice Aliling of "ME, MICE-SELF, AND I"

Agosto na. Blogsary na ng taenang tambayan na ito kaya naman heto na ang pakulo.

Sino si MICE ALILING, kilala mo ba siya?

Siya ang kauna-unahang blogistang ipapakilala ko sa month-long celebration ng anibersaryo ng pagkakatatag ng aking munting lungga. Sigurado akong isa siyang Batang Nineties tulad ko dahil isa siyang malapit na kaibigan. Kapag sinabi kong malapit, ang ibig kong sabihin talaga ay malapit. Kasing-lapit lang tulad ng hintuturo ko kapag gusto kong tanggalin si Tarzan na nagbabaging sa aking tutsang.

Kaklase ko si Mia Grace Estolano mula first hanggang fourth year high school sa St. John's Academy kung saan ka-batch rin namin ang artistang si Bernard Palanca. Transferee ako mula sa Mababang Paaralan ng Kampo Crame, isang public school, noon kaya ang pakiramdam ko ay isa akong outcast sa loob ng isang private school. Wala akong masyadong kaibigan. Buti nalang at dumating si Mia to the rescue. Sa totoo lang, may mga evil friends (na naging evil friends ko rin) siyang nagtatanong sa kanya kung bakit niya ako kinakusap at pinapansin. Bakit nga kaya? Siguro ay may gusto siya sa akin noong mga panahong 'yun!



Maraming beses ko nang nabanggit ang pangalan niya sa mga entries ko dito sa NoBenta, mga apat na pagkakataon na yata. Siya ang nagbigay ng bansag sa barkadahan namin ng mga tropa kong sina Ryan at Noel - tinawag niya kaming "the kutings" noong kasikatan ng trio nila Mark, Eric, at Jomari na mas kilala sa tawag "The Gwapings". Madalas kaming mag-asaran sa kung sino talaga ang mas magaling - ang Bunjubi ba o ang Gangsengroses? Idol na idol niya si Jon Bon Jovi pero hiningi niya sa'kin 'yung project namin sa T.H.E. na wood-carved na pangalan ng idol ko namang si Axl Rose. Si Mia ang katabi ko noong unang sumakay ang barkadahan namin sa Space Shuttle ng Enchanted Kingdom. Sinabihan ko pa siya ng "mamamatay na tayo..." bago kumalas ang rollercoaster sa pinakatuktok ng riles. Si Mice ang nagkuwento sa akin na terror si Ate Sienna sa teleserye ng totoong-buhay kaya nagkaroon ng pabirong komento na "ang taray mo naman pero sa Batibot, kakaway-kaway ka!".

O, 'di ba nineties na nineties ang dating niya? Subukan mong bisitahin ang kanyang Flickr account at maalala mo si Vanilla Ice dahil sa kanyang profile name na Mice Mice Baby!

Minsang nag-outing kami ng barkada sa isang beach resort, nagulat ako dahil meron siyang inilabas na sketch book na ginagamit ng mga artists. Nakita kong dino-drawing niya 'yung dagat tsaka parang puno doon sa isang isle. Nakita niya akong nakatingin kaya tinanong niya ako kung ano ang masasabi ko. Sabi ko, "ahhh, eh...maganda...". Kung ngayon sa akin ipinakita ni Mia 'yun, sasabihin kong ang panget. Bata pa kasi kami noon kaya ayokong masaktan siya sa sasabihin ko sanang, "ano ba 'yan, parang pang-grade one!".

Heto ang malufet, fast forward sa ngayon. Sobrang nagulat ako nang malaman kong meron siyang sariling blog at ang mas nakakagulat, ang theme nito ay photography at art stuff. Paksyet, kapag tinitingnan ko ang mga obra ni Mice ngayon, hindi ko lubos-maisip na siya ang gumawa dahil ANG GANDA-DANDA NG MGA LIKHA NIYA. Maglalaway ka sa mga litrato at mga paintings na ipinagmamalaki niya sa kanyang dotcom.

Pero teka, dahil sa ayaw niyang magsulat ng tungkol sa Dekada NoBenta, binigyan ko na lamang siya ng tatlong katanungan na unang pumasok sa isip ko noong huli kaming nag-usap sa FB chat.

Sinong '90s star ang ayaw mong gumanap bilang ikaw kung gagawing pelikula ang buhay mo at bakit?
Kung local, ako ay nagmamakaawang wag gawin ni Anjanette Abayari dahil (insert accent) I don't speak with an accent, I don't have those boobs and I definitely act better than her. First runner up si Katya Santos. Second runner-up naman si Jolina Magdangal. Choosy ko no?

Kung ikaw ay isang '90s gadget, ano ka at bakit?
Pinag-iisipan ko kung walkman o beeper. Pero parang hindi beeper, kasi hindi sapat sa akin yung iilang characters para sa mensahe na para animong twitter. Tapos kailangan mo pang kumausap ng operator para sabihin yung mensahe mo. Dyahe naman di ba? Mukhang walkman na nga lang. Bukod sa buo ang mensahe, naikanta pa, akalain mo yon?

Ano ang paborito mong '90s na kanta at bakit?
Walk On The Ocean ng Toad The Wet Sprocket. Pakiwari ko lahat ay dumadaan at dadaanan ko lang.

Walang kuwenta ang mga naisip kong tanong kaya ibibida ko nalang sa inyo ang sampol ng kanyang artwork na ginawa niya para sa blogsary ng NoBenta.

"Para kay NoBenta"
mixed media on canvas paper
9" x 14"

Kung ikaw ay isang batang nineties katulad ko, alam na alam mo na kaagad ang tema ng artwork na ito ni Mice.

Bilang regalo ng aking kaibigan, ipamimigay niya ang artwork na ito sa pamamagitan ng isang pa-contest. Simpleng-simple lang ito tulad ng sa "Picture ng Dekada". Ang tawag sa laro ay "CAPTION THIS". Hindi ko na kailangang ipaliwanag kung paano ito gawin dahil nauuso siya sa mga social networks. Heto ang mechanics para mapasainyo ang $200-worth na obra:

  1. Kailangang maging member o subscriber ng NoBenta at Me, Mice-Self, and I.
  2. Isang komento lang kada isang tao ang maaaring ilahok.
  3. Lahat ng mga komento ay tatanggapin hanggang August 31, 2011, 11:59PM.
  4. Mismong si Mice ang mamimili ng mananalo base sa mga komento ng mga sumali.
  5. Ilalathala ang mananalo sa September 1, 2011.
Sali na!

15 comments:

  1. Sana may otsenta ka rin whhheee hehehehe!!!tapos lagay mo nyu web at kay mykel jakston ung ano ba yun ...triler at u no im bad oh bad ...hekhek favorite kc yan ng ex ko ( : kay gary lising este gary pasmado waaahhhhaaa//yung di natutulog ang Diyos naku peborit nya din yan... how i wish upon a star...sumwer awt der kita kami sa maala ala mo kaya hanu poh ( :

    ReplyDelete
  2. hangganda ng artwork ni ms. mia! gusto kong isabit sa dingding ng apartment ko. lol! teka lang, babalikan ko 'to. mag-iisip pa 'ko ng caption. hehe. hapee 2nd beerday sa blog mo ser! blogenroll! \m/

    ReplyDelete
  3. May mga bagay lang ho ako na gustong linawin:
    1. Wala po akong gusto ka Jay Kit. Sadyang magabit lang akong tao.
    2. Hindi pa rin kita pinatawad sa roller coaster ride na akoala ko hangganan ko na.
    3. Parehong nasa ipod ko ang discography ng Jon Bon Jovi at Guns N Roses.  Pero mas pinapakinggan ko pa rin si Bon Jovi.

    Happy Anniversary, Jay!

    ReplyDelete
  4. ser jayson, nag-member na 'ko sa crib mo pero 'yung kay ms. mia, hindi ko makita 'yung google friend connect niya. pasok na ba 'ko sa pakonteshit para sa malufet na artwork niya? o_O

    dahil hindi naman talaga 'ko lumaki sa dekada nobenta, eto ang caption ko:

    To Beer or Not To Beer: Rewinding Dekada NoBenta's Faded Nouveau in the Eyes Of a 90's Newbie. Kampai!

    ReplyDelete
  5. ser lio, salamas sa pag-member sa aking crib. medyo mahiyain si mia kaya nasa bandang ilalim ng kanyang datkom 'yung google friend connect niya. para sakin, pasok ka na. pero hindi papayag si mia na hindi ka member ng blog niya!

    ayus sa caption! \m/

    ReplyDelete
  6. salamat mia! at salamat rin sa regalo mong obra. sayang at ipamimigay ko lang sa maswerteng reader. hehehe.

    GN'R pa rin! \m/

    ReplyDelete
  7. salamat sa pagbate ser lio! maganda ngang isabit yan sa dinding. pwede!

    ReplyDelete
  8. wellcum po sa aking munting lungga. meron po akong isa pang site na puwede mong puntahan kung 80's ang hanap mo: http://noongakoaybatapa.blogspot.com

    may mga naisisingit akong mga pangyayari sa dekada otsenta sa blog na yan.

    ReplyDelete
  9. nakita ko na, ser. sori na, duling lang. lol! pasok na pasok na 'ko ser: nag-member na rin ako sa google friend connect ni ms. mia. \m/

    ReplyDelete
  10. Eto ang aking entry:
    Artwork Title: "MCMXC: A Maximis Ad Minima"
    English Translation: "1990: from the greatest to the least"
    Explanation: hindi nabanggit kung dapat may explanation pero sasabihin ko na rin. Yan ang napili kong title kasi nung titigan ko yung artwork, parang naisip ko na.. ano ba, parang mas ok pa rin yung buhay nung 90's kesa ngayon...umuunlad daw pero parang kulang pa rin.

    ReplyDelete
  11. ser, salamat sa entry! good luck! \m/

    ReplyDelete
  12. "reeling into reality"

    Cassette tapes may have been replaced by compact discs and MP3 formats, but the magnetically stored contents remain to be relevant today.  The decade of the 90's has left an important and distinct imprint in our hearts, in our minds, in our subconscious, in our lives that we continue to cherish .  The past may not dictate our future, but the experiences, sights, music and the entirety of the 1990s continue to be a beacon for our dreams, hopes and inspiration as we strive to make them a reality.  Mabuhay!

    ReplyDelete