Bilang pasasalamat sa mga ka-dekads na walang-sawang tumatambay sa NoBenta, iniaalay ko sa inyo ang PDF file ng unang volume ng mga sanaysay ng mga karanasan ko Noong Ako ay Bata Pa. Maaari niyo nang balik-balikan ang mga alaala ng inyong kabataan gamit ang inyong mga gadgets kahit na walang internet.
Heto ang listahan ng mga unang kuwento kong nailimbag.
Noong Ako ay Bata Pa...
...natae ako sa eskwelahan
...nagbaba-bye ako kapag nakakakita ng eroplano
...naranasan kong pumirma sa slambook
...gusto ko na'ng tumanda
...namamasyal kami sa Fiesta Carnival
...superhero ko si peksman.
...kumakain ako ng kaning binudburan ng asukal
...'di ko pa alam ang sun dance ni Sarah
...naglalaro kami ng styrosnow
...gusto kong tumalino
...tropa ko si Giripit at si Giripat
...masayang-masaya ako kapag may field trip
...namimitas at kumakain kami ng alatiris
...kabisado ko ang "All Things Bright and Beautiful"
...kinakarir ko ang mga school projects sa Hekasi
...naglalaro kami ng teks
...naglalaro kami ng sumpitan
...mas gusto ko ang mga classic kung-fu films
...idol ko si Joey ng Royal Tru Orange
...ang pagkakaintindi ko ay taun-taong namamatay at muling nabubuhay si Papa Jesus
...paborito namin ang Sunny Orange
...inaabangan namin ang hallowen special ng "Magandang Gabi, Bayan"
...may alaga akong asong mataba
...ayokong mahuli sa flag ceremony
...nanonood kami ng "Superbook" at "The Flying House"
...ayokong mahuli sa flag ceremony
...nanonood kami ng "Superbook" at "The Flying House"
...taga-lista ako ng noisy at standing
...nagkaroon ako ng mga kuto sa ulo
...nanghuhuli kami ng mga isdang-kanal
...nagkaroon ako ng mga kuto sa ulo
...nanghuhuli kami ng mga isdang-kanal
Maraming salamat sa inyong lahat!
Kung naaliw kayo sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan gamit ang librong ito, hinihiling ko lang na inyong ibahagi ang kopya nito sa inyong mga kakilalang kabilang sa ating henerasyon. Mas marami tayo, mas masaya!
Himihingi nga po pala ako ng paumanhin sa mga tunay na may-ari ng ilang mga larawang ginamit ko dito sa pagbabalik-tanaw. Pasensya na kung ginamit ko ang inyong mga litrato nang lingid sa inyong kaalaman o wala niyong pahintulot. Ang totoo, kayo ang mga mas nakapagbigay ng mga masasayang alaala ng ating kabataan. Mas maraming salamat sa inyo!
Also available for free download: "Dekada NoBenta - Mga Kuwentong Karanasan ng Isang Batang 90's Volume 1"