RODOLFO "DOLPHY" VERA QUIZON, SR.
July 25, 1928 – July 10, 2012
"Isa kang Batang Nineties kung kilala mo si Kevin Kosme."
Anim na dekada ang itinagal ng nag-iisang "Hari ng Komedya" sa industriya ng Pinoy showbis. Labing-tatlong presidente sa loob ng humigit animnapung taon - magmula kay Jose P. Laurel hanggang kay Noynoy Aquino. Sa ganito kahabang itinakbo ng karera sa pagiging artista, sari-saring mga karakter na naisadula ni DOLPHY. Mga tauhang nagpakilala sa masa ng iba't ibang katauhan at mukha ng mundo.
Sa henerasyon nina erpats at ermats, mas nakilala si Pidol sa "John En Marsha" na unang ipinalabas noong 1973. Ayon kay pareng Wiki, ang programang ito ay "the longest-running and most watched primetime sitcom in the Philippines during the 1970s and 1980s". Ang totoo, sa sobrang tagal nito sa teevee ay naabutan ko pa siya sa RPN 9. Kahit na medyo wala pa ako sa kamunduhan noon ay aliw na aliw na akong nanonood sa masayang pamilya ni John Puruntong. Sino ba naman ang makakalimot sa pamatay na "Kayâ ikaw, John, magsumikap ka!" ng biyenan niyang si Doña Delilah? Sesegundahan pa ng ninang kong si Matutina ng "Etcetera, etcetera, etcetera!" ang bawat sermon ng amo. Panalo!
Para naman sa mga Batang Nineties na tulad ko, mas nakilala si Golay bilang si KEVIN KOSME ng "HOME ALONG DA RILES".
Para naman sa mga Batang Nineties na tulad ko, mas nakilala si Golay bilang si KEVIN KOSME ng "HOME ALONG DA RILES".