PAUWI NA
Noel Cabangon
Ako'y pauwi na sa ating bayan
Lupang sinisinta, bayang sinilangan
Ako'y nananabik na ika'y masilayan
Pagkat malaon din akong nawalay
Sa ating inang bayan
Ang aking dala-dala'y
'Sang maleta ng karanasan
Bitbit ko sa ‘king balikat
Ang binuno sa ibang bayan
Hawak ko sa ‘king kamay
Ang pag-asang inaasam
Na sana'y matupad na rin ang pangarap
Na magandang kinabukasan
Bayan ko ako'y pauwi na
Ako'y sabik na ika'y makasama
Bayan ko ako ay nariyan na
Ating pagsaluhan…
Ang pag-asang dala-dala
Ako'y pauwi na sa aming tahanan
Sa mahal kong asawa, mga anak at kaibigan
Ako'y nananabik na kayo ay mahagkan
Pagkat tunay ang pangungulila
Dito sa ibang bayan
Mahal ko ako'y pauwi na
Ako'y sabik na kayo ay makasama
Mahal ko ako ay nariyan na
Ating pagsaluhan ang pag-asang dala-dala
Ito na ang pinakahihintay kong araw! Mga katropa, ka-dekads, at kabayan, isang buwan po akong mawawala sa mundo ng blogosperyo upang i-enjoy ang bakasyon ko sa Pilipinas. Susulitin ko ito para maka-bonding ang aming mga chikitings kasama ang aking labs. Ang tanging maisisingit ko lang ay ang trivia challenge kong "Panahon Ko 'To: Pa-Contest ng Bahay Ko!".