Bago ko pa man nagustuhan ang mga paulit-ulit na kuwento ni Kuya Bodjie sa Batibot ay namulat na muna ako sa Sesame Street kung saan bida si "Big Bird", ang icon ng hinahangad na laki at haba ng mga kalalakihang Pinoy. Kasama ng birdie sa palabas ang dalawa sa mga paborito kong puppets na sina Ernie and Bert.
Dekada NoBenta nang marinig ko sa "Twisted on a Sunday" radio talkshow ni Jessica Zafra sa 103.5 K-Lite ang tsismis na mamamatay na raw si Ernie sa children's show. Kumalat ang haka-hakang ito nang pumanaw si Jim Henson noong 1990 dahil sa ispekulasyon na walang papalit sa kanya. Napagkwentuhan nila ang posibilidad na bakla raw ang tandem at ito ang magiging dahilan ng pagkakaroon ni Ernie ng HIV.
Urban legends lang ang mga ito at hindi naman totoong nangyari dahil pinalitan ni Steve Whitmire si Jim at pinabulaanan ng Children's Television Workshop ang pagiging binabae ng dalawa na itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng AIDS ni Ernie (Trivia: nagkaroon talaga ng HIV-infected character ang "Takalani Sesame", isang international version ng program).

Maaring tsismis lang ang mga iyon ngunit may sumulpot na website noon na nagsasabi at nagpapatunay na si Bert ay talagang masama - ang malufet na tambayan sa net ni Dino Ignacio.