At sa isang buwan na itinagal ng walang kakuwenta-kuwentang pa-contest ng bahay ko para sa pagse-celebrate ng first anniversary ng NoBenta, masaya kong ipinapakilala sa inyo ang mga nanalo sa mga nagbigay ng effort sa pagsagot sa aking Trivia Challenge:
Ito na ang pinakahihintay kong araw! Mga katropa, ka-dekads, at kabayan, isang buwan po akong mawawala sa mundo ng blogosperyo upang i-enjoy ang bakasyon ko sa Pilipinas. Susulitin ko ito para maka-bonding ang aming mgachikitings kasama ang aking labs. Ang tanging maisisingit ko lang ay ang trivia challenge kong "Panahon Ko 'To: Pa-Contest ng Bahay Ko!".