Dekada NoBenta. Ang sarap balik-balikan dahil siguro ay nabitin ako sa panahong ito. Sabi nga nila, “I’m still living with its ghost”. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari noong nineties na malaki ang naging epekto sa kasalukuyang henerasyon.
Nasubukan mo bang tumawag sa operator para magpadala ng "beeper message" sa iyong kasintahan? Kilala mo ba sina Mario at Luigi na nagpasikat ng malufet sa Nintendo? Ano ang paborito mong kanta ng Eraserheads noong ikaw ay nagbibinata o nagdadalaga? Naniwala ka rin bang nanganganak ang mababangong "kisses" kapag inalagaan mo ito ng mabuti?
Sa isang Batang 90's na tulad ko, ang mga "pagbabalik-tanaw" ay tunay na nakakapagbigay ng kakaibang saya at ngiti kaya naman naisipan kong ibahagi sa mga tulad ko at mga taong interesado ang aking mga kuwentong-karanasan sa pamamagitan ng walang kuwentang tambayan na ito.

Maraming nangyaring masaya at malungkot sa buhay nating mga Pinoy noong dekadang iyon. 'Yung iba, kasing-tindi ng July 16, 1990 earthquake na mahirap malimutan habang ang iba naman ay parang one hit wonder tulad ng "Macarena" na saglit lang pero nakapagbigay naman ng kulay sa buong mundo.
Habang nandito ka sa mundo ko, palagi mong maririnig si Ida na sinasambit ang "Time space warp, ngayon din!".
Habang nandito ka sa mundo ko, palagi mong maririnig si Ida na sinasambit ang "Time space warp, ngayon din!".
Ano ang naaalala mo sa Dekada NoBenta?
Isa ka ba sa mga oldies ngayon na pilit na binabalik-balikan ang mga masasaya, malulungkot, at malufet na mga pangyayaring nagbigay-kulay sa buhay nating mga Pinoy? Ang sumusunod na listahan (in no particular order) ay ilan lang sa mga nagawan ko na ng entry dito sa NoBenta.
Isa kang ganap na Batang Nineties kung:
1. nahilig ka sa World Wrestling Federation at napanod ang "Montreal Screw Job" sa pagitan nila Bret Hart at Shawn Michaels.
2. naadik ka at naubos ang oras mo sa paglalaro ng Brick Game.
3. kilala mo si Dino Ignacio na nagpasikat kay Bert ng Sesame Street in a very unique way.
4. naabutan mo ang "Lunch Date" at "SST" sa Siete kung kailan sikat na sikat si Randy Santiago.
5. nahilig ka sa mga kanta ni Andrew E. at pinilahan sa mga sinehan ang kanyang mga pelikula.
6. sinubaybayan mo ang mga turo ni Brod Pete sa Dating Doon na isang segment ng Bubble Gang.
7. nakita mo ang development ng sinaunang videoke hanggang sa maging hi-tech ito.
8. natatakot kang mamatay ang inaalagang tamagotchi.
9. nakapanood ka ng isa sa mga milyung-milyong massacre movies a.k.a. "pito-pito movies" ni Direk Carlo J. Caparas.
10. naniniwala kang nanganganak ang mga mababangong kisses at may taong-ahas sa Robinsons.
11. nakaboto ka sa SK Elections noong 1991.
12. nakita mo kung paano umusbong sa kahabaan ng EDSA ang Megamall, Galleria, at Shangri-La.
13. alam mo ang tsismis na kapag binaligtad ang kantang "Pare Ko" at "Banal na Aso, Santong Kabayo" ay may maririnig kang mga demonic messages.
14. alam mong nanalo ang presidenteng may malufet na carabao English.
15. isa ka sa mga nangarap na sana ay hindi kailanman ma-disband ang Eraserheads
16. napanood mo ang concert na "MTV Alternative Nation Tour" sa Araneta kung saan tumugtog ang Foo Fighters, Beastie Boys, at Sonic Youth.
17. nagulat ka nang isang araw paggising mo ay ipinapalabas sa teevee na tinitira ni Tito Sotto ang mga kantang "Alapaap", "Laklak", at "Elesi" dahil sa masamang mensahe daw nito sa mga kabataan.
18. araw-araw mong kasama sina Mario at Luigi sa Family Computer para sagipin ang princess.
19. may mga paborito kang kanta tulad ng "Cold Summer Nights".
20. nahilig ka sa mga 90's alternative bands na sumikat sa Tate.
21. mayroon kang mga cassette tapes na produced ng Tone Def Records.
22. nangarap kang sana ay magkaroon ng reunion concert ang Eheads matapos silang madisband.
23. kilala mo ang trio nila Mark, Eric at Jomari.
24. isa ka sa mga engot na akala ay nakakalasing ang Cali.
25. napanood mo ang first episode entitled "Rubber Shoes" ng MMK starring Romnic Sarmienta
26. isa kang pakanton na mahilig kang kumain ng Lucky Me! Instant Pancit Canton.
27. kilala mo ang sikat na pamilya ng Springfield.
28. natutuwa ka kahit naiirita sa tuwing naririnig si Punk Zappa.
29. alam mong hindi shawerma ang tawag sa shawarma.
30. isa ka sa mga kabataang gustong matuto ng pagtugtog ng gitara para makapagbuo ng sariling banda.
31. isa ka sa mga nakipila sa labas ng ABS-CBN para sumali sa "Pera o Bayong".
32. inlababo ka kay Alicia Silverstone na bumida sa ilang music videos ng Aerosmith.
33. alam mong hindi original ng TGIS ang kantang "Dyslexic Heart" ni Paul Westerberg.
34. kilala mo kung sino ang nagpasikat ng kantang "Multong Bakla".
35. mahilig kang manood ng "Headbanger's Ball" ng sinaunang MTV sa Channel 23.
36. naki-headbang ka sa tugtugan ng Nirvana.
37. inaabangan mo kung ano ang mga bagong laruang ipapakita sa "Uncle Bob's Lucky Seven Club".
38. na-exercise ang fantasizing abilities mo sa tulong ni Xerex.
39. bilib ka sa 4-peat ng "Growling Tigers" kahit na 'di ka taga-uste.
40. mayroon kang nakasukbit na beeper sa baywang mo.
41. naniniwala kang isang alamat ang kasaysayan ng Zagu.
42. alam mong "Kung walang knowledge, walang power".
43. bumili kayo ng matinding antenna para makasagap ng sinaunang UHF Channel.
44. alam mong tugtugin sa gitara ang "Plush (kahit intro lang)" ng Stone Temple Pilots.
45. alam mo ang love story nina Kevin Arnolds at Winnie Cooper.
46. habit mo ang pagba-Batibot.
47. isa ka sa mga batang nangarap na sana ay kasing-bibo at kasing-cute mo si Macaulay Culkin noong totoy pa siya.
48. alam mo ang silbi ng Blue Magic at Gift Gate kapag Pasko at balentaympers.
49. nakikisawsaw ka sa usapan sa kung sino talaga ang pumatay sa mga Vizconde.
50. kilala ang babaeng pumutol ng kaligayahan ng kanyang asawa.
51. nabubwisit ka sa tuwing makakakita ng event na may "palooza" sa hulihan.
52. alam mong rip-off ang kantang "Stay" ng Cueshet mula sa "The Greatest View" ng Silverchair.
53. nagluksa ka ng mawala sa ere ang NU107.
54. naka-attend ka ng "grand eyeball" ng mga crossliners.
55. aliw na aliw ka sa pagmumukha ni Rene Requiestas.
56. naramdaman mo ang pagyanig ng Luzon noong July 16, 1990.
57. kilala mo ang tropa nila Guile, Ken, at Ryu.
58. nakikanta ka sa "Bed of Roses" ni bunjubi.
59. elibs ka sa galing ni "The Magician" sa paglalaro ng bilyar.
60. nanlumo ka sa mga ipinakitang bangkay na nasunog na Ozone Disco.
61. namimili ka sa kung ano ang panonoorin, "TGIS" o "Gimik".
62. alam mo ang istorya ng "Take it, take it" sa MMFF Awards.
63. nalaman mong cool pala ang maging bobo nang makilala mo sina "Beavis and Butt-Head".
64. alam mo ang ibig sabihin ng mga acronyms na "TF" at "ST" na isang genre ng pelikula.
65. nasaksihan mo ang hidwaan sa pagitan ng mga metal at mga hip-hoppers.
66. alam mo ang mga pamatay na awitin ng Yano.
67. nabalitaan mo kung paano nilait ni Claire Dane ang Pinas.
68. nangolekta ka rin ng mga tansan ng Pepsi para maksali sa "Number Fever".

69. kabisado mo ang lyrics ng mga kanta ng Eraserheads.
70. isa ka sa mga unang nakatapak sa Enchanted Kingdom.
71. kilala mo ang prinsipeng nakapagpalambot sa mahal na konde.
72. naniwala ka na magtatapos ang mundo bago mag year 2000.
73. naranasan mo ang ash fall na dala ng Mt. Pinatubo.
74. alam mong si Dolly ang first cloned sheep.
75. nakisayaw ka sa "Macarena" dance craze.
76. napanood mo kung paano ginawang impyerno ni Clara ang buhay ni Mara.
77. alam mong si Leo Echegaray ang pinakasikat na na-Lethal Injection.
78. alam mong nabobosohan ng panty si Annie sa kanyang mga fight scenes.
79. nauso ag mukha sa mga music videos ng MTV.
80. kilala mo ang mga astig na tauhan sa Ghost Fighter.
81. mahilig ka sa mga US-syndicated teevee series.
82. alam mo ang palabas sa teevee kapag 4:30 na ng hapon.
83. alam mo ang ikinamatay ni Freddie Mercury.
84. alam mo kung ilang isla meron ag Pilipinas kapag high tide at low tide.
82. alam mo ang palabas sa teevee kapag 4:30 na ng hapon.
83. alam mo ang ikinamatay ni Freddie Mercury.
84. alam mo kung ilang isla meron ag Pilipinas kapag high tide at low tide.
85. ginagaya mo ang porma ng mga Seattle bands.
86. naki-mmmbop ka sa magkakapatid na Hanson
87. kilala mo ang mga celebrities na may A.I.D.S. noong nineties.
88. nabalitaan mo ang paglubog ng pagoda sa Bulacan.
89. alam mong 15 years na ang Slapshock
90. kilala mo si DJ Cool Carla.
91. alam mong hindi foreigner ang Wolfgang.
92. may mga nakabisado kang mga kanta ng Rivermaya.
93. nagkaroon ka ng Top 40 shirts.
94. saksi ka sa evolution ng technology na nararanasan ngayong bagong milenyo.
95. isa kang makabayan tulad ng grupong Agaw Agimat.
96. alam ko ang pagiging tunay na lalake sa maka-nineties na pamamaraan.
97. na-praning ka sa Datu's Tribe.
98. may respeto ka sa namayapang si Whitney Houston.
99. nakarinig ka ng mga bumibirit ng "Zombie" sa videoke
100. napanood mo ang interview ni Kris Aquino kay Bongbong Marcos sa "Actually...'Yun Na!"
111. alam mo ang lahat ng mga kantang kabilang sa "90's Music Comes Alive" compilation album.
112. kilala mo ang alamat na si Karl Roy.
113. nasaksihan mo ang unang pagsulpot ng mga pirated CD's.
114. kung alam mong may kumalat na "Bongbong Marcos Urban Legend".
115. kung naniwala ka sa "Trespassing: 3-in-1 Reunion Concert" ng Eheads, Rivermaya, at Yano.
116. kung kilala mo ang nag-iisang rakistang doktor ng radyo.
117. kung kilala mo ang mga bida sa "Cebu Boarding House Scandal".
118. kung nalungkot at natuwa ka sa "In Love and War" album nina Ely at Francism.
119. kung pinangarap mong Talunin si Takeshi para masakop ang kanyang kaharian.