Sunday, January 13, 2013

Pinoy Bato: Pinoy Rock 90s

"Isa kang Batang Nineties kung alam mo ang compilation album na 'Pinoy Bato'."

Released in 1991 and produced by Heber Bartolome, ang independent compilation album na ito ay ang isa sa mga pinakapaborito ko noong Dekada NoBenta. Kabilang sa obrang ito ang apat na grupong mula sa Pinoy Underground scene - Wuds, Philippine Violators, Mga Anak ng Tupa, at The Next.

Madalas namin itong pakinggan tuwing tumatambay sa bahay ng bespren kong si Geline. Siya lang kasi ang may kopya ng tape kaya sa lungga niya kami nagsa-sountrip. Minsan ay nahihiram ko ito sa kanya pero madalas ay nagpapalusot nalang siyang gagamitin niya sa pagtipa ng mga kanta kahit hindi dahil siguro ay naiinip siya sa pagsauli ko. Kulang nalang kasi ay angkinin ko ang isa sa mga bibliya namin sa pagiging punkista.


Dito ko unang narinig ang mga kanta ng Wuds at PhilVio, at simula noon ay naging paborito ko na ang kanilang mga grupo. 

Maririnig dito ang mga tumatagos sa buto na "Bayan-Bayanan" at "At Nakalimutan ang Diyos"; at ang awit na ginawaan ng bersyon ng Rivermaya, ang "Inosente Lang ang Nagtataka". Tatlo ito sa mga kanta ng grupo ni Bobby Balingit na aking inaabaangan sa tuwing napapanood ko ang Wuds sa mga konsyerto.

Ang "Sikat na si Pedro" ay unang lumabas sa compilation na ito bago naging carrier single ng album ng parehong pamagat ng PhilVio. Tinutugtog ng grupo namin dati ang "Ipako sa Krus" samantalang ang kantang "Para Sa'yo" ay isa rin sa mga paborito kong iniislaman.

Malufet ang mga tipa ng gitara sa mga kanta ng Mga Anak ng Tupa. Nang marinig ko ang "Bisyo" at "Kalikasan", nainggit ako sa lidista na parang gusto kong putulin ang kanyang mga kamay at ikabit sa akin.

Noong ako ay nagbabanda pa sa "Aneurysm" ay may nagawa akong kanta na ang pamagat ay "Absolute Anarchy". Laking gulat ko nang marinig kong halos magkatunog ang kaskas ng gitara sa mga berso ng "Strict ang Parents Ko". Coincidence lang parang "Stay" ng Cueshet at "Greatest View" ng Silverchair.

Sa tuwing pinapakinggan ko ang album na ito ay bumabalik ako sa Dekada NoBenta, ang panahon kung kailan ang mga grupo at may talento at tunay na sinasabi. Hindi tulad ngayon na puro papogi lang at walang sense.



4 comments:

  1. di pa ako mahilig sa musika at lalo sa rock noong 90's kaya hindi ko alam ang album na to. hehehe.

    grabecious... basta music madami kang alam from 90's :D

    ReplyDelete
  2. Ito ay upang ipaalam sa pangkalahatang publiko, mga kalalakihan o kababaihan na malusog at
    100% na malubhang sa pagbebenta ng iyong bato ay dapat makipag-usap nang mapilit sa Dr Michael
    Ospital .. email; doctormichaelapa007@gmail.com, dahil mayroon tayong maraming
    ng mga pasyente na kasalukuyang nangangailangan ng transplant ng bato.
    naghahanap ng isang pagkakataon na ibenta ang iyong bato para sa pera dahil sa pananalapi
    Mabulok namin at bilhin ang iyong bato para sa € 800,000 EUROS kada
    Bato
    at mayroon din kaming mga Vib / aid ultra vibro 11 na gamot na maaaring pagalingin o hawakan ito nang mas matagal

    padalhan kami ng email ngayon,

    EMAIL; Doctormichaelapa007@gmail.com

    WhatsApp:
    +1 (304)516-8789

    Cordial greeting

    Dr. Michael

    ReplyDelete
  3. Gusto mo bang ibenta ang iyong bato sa $ 800,000USD? Ikaw
    Naghahanap ng pagkakataon na ibenta ang iyong bato para sa pera
    Dahil sa breakdown sa pananalapi at hindi mo alam kung ano ang gagawin
    Gawin, pagkatapos ay makipag-ugnay sa amin ngayon at kami ay nag-aalok sa iyo ng mabuti
    Halaga ng pera para sa iyong bato. Ang pangalan ko ay Doctor UMAR
    Ako ay isang Nephrologist sa UMAR Clinic. Ang aming klinika ay
    Specialized sa Renal Surgery at tinatrato din namin
    Ang pagbili at paglipat ng mga bato na may
    Kaukulang donor
    Kami ay matatagpuan sa India, Turkey, France, Nigeria, Estados Unidos, Malaysia, Dubai, Kuwait
    Kung ikaw ay interesado sa pagbebenta o pagbili ng mga bato mangyaring huwag
    Huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng email.
    Email: doctorumarclinic@gmail.com

    maingat
    DR UMAR.

    ReplyDelete
  4. Nais mo bang bumili ng Bato o nais mong ibenta ang iyong
    bato? Naghahanap ka ba ng isang pagkakataon upang ibenta ang iyong bato para sa pera
    dahil sa pagkasira ng pananalapi at hindi mo alam kung ano
    gawin, pagkatapos ay makipag-ugnay sa amin ngayon at bibigyan ka namin ng mabuti
    halaga ng pera $ 500,000 dolyar para sa iyong Kidney. Ang pangalan ko ay Doctor MACPHERSON
    isa akong Nefologist sa MACPHERSON CLINIC. Ang aming klinika ay
    dalubhasa sa Kidney Surgery at nakikipag-ugnayan din kami
    pagbili at paglipat ng mga bato na may buhay na isang
    kaukulang donor. Kami ay matatagpuan sa Indian, Turkey, USA, Malaysia, india
    Kung interesado kang magbenta o bumili ng kidney mangyaring huwag
    mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa whatsapp +33751283487 at sa pamamagitan ng email.
    Email: doctormacphersonclinic@gmail.com

    Pinakamahusay na Regards
    DR MACPHERSON.

    ReplyDelete