Sunday, August 8, 2010

Isang Taon na Pala


Technically speaking, isang taon na itong walang kakuwenta-kuwentang bahay ko dito sa Blogspot. Nang tingnan ko sa Dashboard ang date ng unang entry ko, AUGUST 8, 2009 ang nakalagay. Inspired at ganado yata ako noong araw na iyon dahil siyam na entries ang nagawa ko! Pero bigla kong naalala na kaya pala ganun karami ay dahil inimport ko lang galing Wordpress ang mga iyon. Ibig sabihin, hindi talaga ako August 8 nagsimulang magsulat!

Binalak kong i-trace ang dates ng mga nauna kong naisulat sa Wordpress kaso wala na siyang laman. Deleted na lahat. 

Napakatulin ng panahon at sa sobrang bilis ay muntikan ko nang makalimutan na dapat nga pala akong gumawa ng entry tungkol sa First Year Anniversary ng NoBenta. Kanina ko lang naalala na ngayon pala ang "big day" kaya late ang itong aking entry. Kahit na sabihin ko pang umaga pa lang dito sa Saudi, wala na rin akong magagawa dahil hapon na sa Pilipinas.

Sa loob ng isang taon ay nakapagsulat ako ng 56 senseless stories na based sa mga experiences ko noong kabataan. Ang mission in life ko lang naman ay maibahagi ko sa mga ka-dekads at bagong henerasyon ang kagandahan ng nakaraan, ng dekada namin. Taena, may ganito talaga? Basta ang alam ko ay ipinagpatuloy ko ito nang mapadpad ako sa disyerto para makaiwas sa homesick. 'Yun lang.

Tuloy-tuloy lang akong nagsulat kahit walang nagbabasa.

Hinding-hindi ko makakalimutan nang may unang nag-comment sa entry kong "Eheads on GMA7: The Final Disappointment" dahil ang tingin nung "markuspogi" sa naisulat ko ay isang ka-dramahan lang sa buhay kaya nilagyan niya ako ng malaking ekis. Ganun pa man, natuwa ako sa comment niya dahil nalaman kong may nagbabasa rin pala sa mga gawa ko at may naaapektuhan kahit papaano. Hindi ko akalain na loob ng isang taon ay makakatanggap ako ng 625 comments (kasama ang replies ko kaya mga nasa 312 ang galing sa readers). Umabot na rin sa 666 (yes, nice figures) ang nag-like sa FB Fan Page ko at nasa 58 na ang sa Google Friend Connect. Nasa 33 na ang sa Networked Blogs habang ang total page views ay nasa 14,800. Kahit na napakaliit ng mga figures ay mahalaga ito sa akin dahil ito ang nagbibigay ng inspirasyon na magpatuloy ako sa pag-share ng mga naaalala ko.

Sa isang taon ko sa blogosperyo ay dumami rin ang mga online friends ko. Hindi mawawala sa listahan ko ang mga iniidolo kong sila Tem-i, Tikboy, at Tenco, Father Drake, Master Glentot, PapsJepoy, KikilabotzGillboard, Taympers, Stone Cold Angel, at Pepe Cabrera. Sila ang mga una kong binasa noong nagsisimula pa lang ako sa pagba-blog.

Kasama rin sa circle of friends ko sila Jag, Khanto, Night Crawler, Poldo, Sly, Robbie, Unni, Chingoy, Rah, Goyo, Miranda, Balentong, SSDD, Master, Mervin, Benh, Mia, Ever, Roanne, Yodz, Em, Renz, at Lakwatsera. Sila naman ang mga bloggers na pinilit kong makipag-exchange link sa akin dahil gustung-gusto kong tumambay sa kani-kanilang mga bahay. Sa awa ni Bro ay naliligaw rin sila sa bahay ko para mag-aksaya ng oras.

Sa lahat ng nagbigay ng oras para makibasa at makiusyoso sa nakaraan, MARAMING MARAMING SALAMAT!!

Bilang pasasalamat ay inaanyayahan ko (at nagmamakaawa ako!!) pa rin ang lahat na sumali sa "Panahon Ko 'to: Pa-Contest ng Bahay Ko". Matagal pa ang deadline kaya meron pa kayong time na mag-join.

BLOGENROLL \m/










26 comments:

  1. Ayosss! Bukod dito sa happy beerday ng No-Benta e pauwi ka na rin! siguro double celebration narin yan!

    Congratulation Bossing! salamat ng marami sa iyong pagpapaalala sa amin about sa panahon ng dekada No-Benta!

    \m/ BlogEnRoll sir!

    ReplyDelete
  2. wow... happy anniversary sao parekoy. isang taon ka na palang mahigit na nagba-blog. maraming salamat sa mga posts mong nakakatuwa at kahit na dun samga di nakakatuwa, salamat na rin! nyahaha. joke lang. peace tayo :P keep blogging, dapat maraming taon pa ha?

    ReplyDelete
  3. yay!! one year na ang nobenta :) more years for your blog kuya jau :)

    ReplyDelete
  4. wow~~~
    Happy 1st blog-sary sa NO BENTA
    Marami akong mga na reminisce dahil sa blog na ito.
    Mga shows nung 90's mga pangyayari at iba pa...
    More power po sa blog nyo~~
    Boom happy Sunday~~

    ReplyDelete
  5. HAPPY ANNIVERSARY!!! (parang syota lang eh)

    Buti nabasa ko 'tong post mo. Nakalimutan ko na 2nd anniversary rin ng blog kong Just Another Pixel nung August 1st pa. Waahh!

    I need to write my anniversary post din. Gosh.

    Happy anniversary ulit! :)

    ReplyDelete
  6. congrats labs at nakaisang taon ka na sa pagsusulat. c",) ang mga unang entry na yan ay ginawa mo habang magisa ako sa kwartong nanonood ng nakakatakot. minsan nakakatulog nako sa kakahintay sayo. c",) ayaw mo pa ngang ipabasa agad sakin eh. medyo may konting shyness. pero ngayon, ako ang nagugulat sa mga revelations mo.

    cheers to more experiences, more writings, and more bondings!!!!

    ReplyDelete
  7. happy anniversary sa Nobenta! naway umabot pa ng mas madaming years, kahit nobenta years more :p

    ReplyDelete
  8. malagayang 'bate :) more nineties posts! :D hoorah.

    ReplyDelete
  9. wow congrats sa blog mo!...patunay lamang na sa dami ng readers at tumatangkilik dito ay very interesting talaga ang dekada nobenta. I also luv 90's dahil di lang dito nahubog ang hilig ko sa musika, dito rin nangyari ang makukulay na ala ala sa layf ko! :D

    hapi anniversary!!

    ReplyDelete
  10. yuhoo..happy anniversary kay blog :] more years to come :]

    ReplyDelete
  11. akalain mo yun? naka-isang taon na pala 'tong bulagspot mo ser. congrats congrats! wala bang pakanton diyan, 'yung may kasamang serbesa? hehe.

    sa totoo lang, ito lang ata ang blog na napuntahan kong "everything 90's" ang tema. kakaiba kaya naman panalo para sakin ang tumambay dito.

    more blog posts to cum, ser! lols! blogenroll! \m/

    ReplyDelete
  12. Orayt! Lagi ko po kayo naririnig sa sambayanang blogosperyo. Nababasa ang blogsite. Di na rin ito ang first time ko sa NoBenta dahil nagpabalik-balik na ako dito. Congratulations po sa isang taon niyo. NAwa'y makamit ko din ang ganyan. Haha. God Bless. Keep blogging.

    ReplyDelete
  13. Talagang may MASTER? hahahahaha Happy 1st Anniversary! More years to come sa pag-reminisce sa dekada ninyo... joke sige na nga dekada natin...

    ReplyDelete
  14. more blogging years to come for you koya. Congratumulations!!!

    ReplyDelete
  15. Repa! kongrachuleysyons sa'yo! akalain mong makaisang taon ka pa? hehe! keep blogging wonderful events in the 90's. I am always waiting on your every post. :D

    ReplyDelete
  16. Happy Aniversary! Laway este naway tumagal ka pa sa pagba-blogging at pagsusulat.

    ReplyDelete
  17. Wohooooooooo!!!! Happy Anniversary NoBenta! :D

    Pero sa totoo lang, kapag kakagawa pa lang ng blog ay nakaka-excite mag-post eh no? Lalo na kung bored ka tapos ang dami mong iniisip. Hehehe.

    ReplyDelete
  18. mabuhay ka kaibigan! ituloy lang ang pagsusulat!

    ReplyDelete
  19. Parekoy, ako'y nakikipagdiwang sa anibersaryo ng blog na ito, at nagagalak din at ako'y napalista sa iyong Circle of frends - maraming salamat parekoy. Nawa'y marami ka pang maisulat at mai-share sa amin.

    Nawa'y humayo ka pa at magpakarami... ng posts

    ReplyDelete
  20. happy anniversary nobenta! congrats sir!

    ReplyDelete
  21. ayos! parang ang bilis, hapi ani pards!
    ipagpapatuloy natin ng kabulastugan pero may puso at tama ang mga kwento...ibig sabihin! totoo lang!

    ReplyDelete
  22. hey hey congrats on your blog's first anniversary :)

    ReplyDelete
  23. nice :) salamat rin sa pagbisita sa aking munting blog. Mukhang babalik balikan ko ang blog mo dahil sa ako ay isang 90s na bata hehe :)

    ReplyDelete
  24. congratulations naman sir.. napakasaya naman at andaming nagko-comment sa blog mo.. sana sa blog ko rin..

    ehehe

    ReplyDelete
  25. kongrats naman.. nagbertdey na pala ang blog mo.

    ReplyDelete
  26. nice! congrats! keep on blogging! di mo na-include how much you're making sa blog mo. lol!
    hmmm... na-curious tuloy ako sa networked blogs kung pano gumagana. hehe baka ma-boost traffic ko. :P

    ReplyDelete