Wednesday, December 30, 2009

Smells Like Andrew's Spirit


"Isa kang Batang 90's kung alam mo kung sino ang gamol na naghahanap ng panget."

Bago pa man ako biningi ni pareng Kurdt  ng Nirvana, pinangarap ko mung maging isang malufet na dancer. 'Yun nga lang, hindi umubra sa parehong kaliwa kong mga paa ang "running man" at "roger rabbit" moves na pinipilit kong matutunan. 

Nasa ikaanim na baytang ng elementarya ako nang mauso ang rap at sa pakikinig nalang nito ang pinampalit ko sa pangarap kong humataw sa dance floor.

Isang araw noong 1990, narinig ng Lupang Hinirang ang Pinoy rap song na "Humanap Ka ng Panget". Madali nitong nakamit ang tagumpay dahil nakuha nito ang atensyon ng mga maawaing kababayan natin. Naging kontrobersyal at phenomenal ang pagsikat nito dahil napag-usapan ng madla  ang "pang-aapi" sa mga katulad kong panget. 

Si Andrew Espiritu, o mas kilala bilang si Andrew E., ang itinuring na "King of Pinoy Dirty Raps" dahil sa kanyang mga awiting double-entendre o dobleng kahulugan na para sa karamihan ay bastos. 

Kahit na hindi naman talaga bastos ang unang single niya, marami pa rin ang sumang-ayon sa paniniwalang binastos ng kanta si Zorayda Sanchez na pinasikat ng "Goin' Bananas". Napanood ko pa noon sa teevee ang mga artistang nakapanayam tungkol sa saloobin nila sa kanta ni Gamol. May mga natawa at mayroon ding natuwa sa "bagong" klase ng pagkanta  pero marami ring nagalit. Hindi naman daw guwapo si Andrew E. para laitin nalang ng ganun si Zorayda.

Wednesday, December 23, 2009

Raise the Roof

Photobucket

"Isa kang Batang 90's kung sinubaybayan mo ang mga turo ni Brod Pete sa 'Ang Dating Doon'."
 
"One two three, asawa ni Marie, araw-gabi, walang panty!", sabay-sabay naming isinisigaw ng mga barkada ko noong mga dugyuting totoy pa lang kami sa lansangan. Tuwang-tuwa kaming pinang-aasar ito sa mga kalaro naming babae.

Matapos ang ilang taon, ay nalinawagan ako sa tulong ng pangaral ni Brod Pete. Akala ko kasi noon ay bastos ang ibig sabihin ng isinisigaw namin dahil sa salitang "panty". Wala naman pa lang masama doon dahil hindi naman talaga magkakaroon ng "salungguhit" ang asawa ni Marie dahil lalaki iyon! 

Dumating sa puntong naging synonymous na ang "Bubble Gang" sa "Ang Dating Doon". Mas naging sikat pa itong segment na ito kaysa sa mismong show. Noong una kong napanood ito bandang 1998 ay hindi ko ma-gets ang patawa na gusto nilang iparating. Oo, nakakatawa si Isko Salvador. Mukha pa lang niya na nagmula pa sa "John En Marsha" ay hahalakhak ka na sa kakatawa kapag nakita mo siya pero noong una kong silang mapanood na ilang beses na binabasa paulit-ulit ang mga linya ng nursery rhyme na "Jack and Jill" ay napilitan akong pindutin ang remote control para lumipat ng ibang istasyon sa teevee. Pinagtatalunan nila kung hari ba si Jack dahil sa korona niya o dukha lang dahil umaakyat pa siya ng burol para kumuha ng tubig.

Thursday, December 17, 2009

Videokelled the Radio Star

"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga nakagamit ng sinaunang videoke machine."


Para sa isang katulad kong mahilig sa musika, hindi tutuloy sa pag-ikot ang  umikot ang mundo kung walang musika dahil ako ay mabibingi ako. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa ingay kaysa ang mamatay sa katahimikan.

Sa pagpunta ko dito sa Saudi, ang baon ko lang ay isang seleponong may 2GB micro SD card na sapat upang paglagyan ng humigit-kumulang tatlong-daang MP3s ng mga paborito kong kanta. Hindi ko na nadala ang gitara kong tinitipa sa tuwing nakikipag-jamming kila Ely Buendia, Kurt Cobain, at Billy Corgan sa bahay namin. 

Tatlong buwan pa lang ako dito sa Gitnang Silangan ay unti-unti nang nawawala ang mga kalyo kong inipon mula sa pag-finger sa fret ng gitara. Naririnig ko na rin sa banyo na mas nanawala na sa tono ang dati ko nang sintunadong boses. Wala na kasing ensayo. Hindi tulad noong nasa Pinas pa ako, may malakas na sound system, may gitarang nakahain at bukod sa lahat ay may maaasahang Promac Videoke player na nambubulabog sa mga kapitbahay. 

Ang videoke ay nagmula sa mga salitang "kara" na ang ibig sabihin ay "wala", at "okesutora" o "orkestra". Sa tunog pa lang, iisipin mo nang sa bansa ni Takeshi ito nagmula. Ang totoo, tama ang hinala mo ngunit kahit na sa lugar nila ito nanggaling, tayong mga Pinoy pa rin ang alam sa kasaysayan na nagpasimula ng pambansang libangan ng mga sunog-baga doon sa inyong kanto.

Thursday, December 10, 2009

Ang Masarap sa Itlog


"Isa kang Batang 90's nagkaroon ka ng alagang Tamagotchi."

who shines from the land of the rising sun
lookin' so pretty on the dancin' floor
i wanna be with you just a little more
turn it on like a flashlight
satisfy electric appetite
automatic lover you're my techno lust
addicted to your love like magic dust
ecstatic little plastic drives me off the wall
push the right buttons remote control
wa-wa-wa wakari masen
i-i-i i'm in love again
talking to my baby on the LCD
she said I need a triple A battery
user-friendly interface getting wet
dirty little treasures of a pleasure pet
scream so guilty like a suicide
smile like a child taken for a ride

ERASERHEADS, "Tamagotchi Baby"


Sa tuwing nagbubukas ako ng mga notifications sa efbee, imposibleng wala akong mababasang imbitasyong may kinalaman sa Farmville. Kahit na may pagka-adik ako sa mga social networking sites ay aaminin kong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam alagaan ang mga tanim doon sa potang bukid na iyon. Pasensya nalang mga tropapips, medyo nahuli ako sa agos ng panahon.

Noong na nagbitiw na ako sa trabaho mula dati kong pinapasukan at tumatambay nalang sa bahay bago lumipad papuntang Saudi, sinubukan kong magpaturo nito sa aking misis. Matapos ang ilang pindutan sessions, napansin kong parang katulad nito ang itlog na nilalaro ko dati pero mas hamak na hi-tech nga lang.

Wednesday, December 2, 2009

Massacred Movies: God Saved the Industry

Photobucket
"Isa kang Batang 90's kung nakapanood ka ng kahit isa sa mga milyung-milyong massacre films ni Carlo J. Caparas."

Salamat sa mga walang-kaluluwang nilalang na utak sa karumal-dumal na pagpatay sa Maguindanao, ang Lupang Hinirang ngayon ay mas nakakatakot nang puntahan kaysa sa Iraq. Hindi na ako magtataka kung ang mga pasaporte ng mga ibang bansa ay tatatakan ng "Not Valid for Travel to the Philippines". Kahit naman sinong dayuhan ay matatakot sa pangyayaring kumitil ng buhay ng mga inosenteng mamamayan. Kung tayo ngang mga tumanda na sa Pilipinas ay nanlumo sa naganap na krimen, paano pa kaya silang nagbabalak dumalaw sa bayan ni Juan?

Tinaob ng "Ampatuan Massacre" ang lahat ng mga patayang naganap noong Dekada NoBenta. Kahit na sobrang dami ng kahindik-hindik na pagpaslang ang naganap noon, natabunan ang lahat ng mga iyon sa isang iglap ng 58 kataong nasawi sa Maguindanao.

Ganun pa man hindi pa rin natin dapat kalimutan ang nakaraan. Lalo na ang mga kasong wala pa ring linaw at hanggang ngayon ay sumisigaw pa rin sa paghingi ng hustisya.

Sa dami ng mga patayan noon, naisip ng manunulat sa komiks na naging direktor na si Carlo J. Caparas na pagkakitaan ang sitwasyon. Gumawa siya ng mga pelikulang hango sa tunay na buhay o masasabi kong hango sa tunay na patayan. Pumatok ito sa takilya dahil likas na usisero tayong mga Pinoy. Sinuportahan naman ito ng mga grupong laban sa krimen at sinabi nilang nakakatulong daw ito sa kamalayan ng mga mamamayan.

Wednesday, November 25, 2009

Manananggal ng Lakas


"Isa kang Batang 90's kung naniwala kang nanganganak ang mga mababangong kisses at may taong-ahas sa Robinsons."

"Dito sa Saudi, nakakakalbo ang tubig...", ang narinig kong kuwento mula sa isang tumanda na dito.

Hindi ko alam kung mayroong sapat na batayan pero minsan ay gusto ko nang maniwala sa tubig na nakakalagas ng buhok dahil kung papansinin mo nga ang mga retiradong galing dito, puro shaggy ang buhok... shagilid nalang!

"Hala ka, lalabas diyan ang kinain mo...lalabas yung pari...lalabas yung tren...", pananakot ng mga matatanda sa mga nasugatang bata.

Nakanamputs naman, saan ba nagmula ang pauso nating mga Pinoy na mayroong sugat na nagsusuka ng kanin? Itinuro naman sa mga paaralan na magkaiba at circulatory at digestive systems.

Urban Legends - mga kuwentong pilit na pinapaniwalaan pero wala namang katotohanan. Sa madaling salita, tsismis lang na pambansang libangan nating mga Pinoy. Ang lufet ng imahinasyon ng mga ninuno natin para takutin tayo na kapag lumabas ng bahay ay may mumo o pulis na kukuha sa iyo. Kaya siguro "gullible" ang karamihan ay dahil pinalaki tayo sa kasinungalingan. Nakakatawa nga namang tingnan ang  isang paslit na nanginginig habang pinapaiyak. Letsugas.

Noong Dekada NoBenta, maraming kumalat na kuwento na siya namang pinaniwalaan ng karamihan. Ang masaya nito, isa ako sa mga nauto ng mga tsismis na pinag-usapan ng mga kalahi ni Cristy Permin.

Thursday, November 19, 2009

Isangguni Ang Kabataan

"Isa kang Batang 90's kung nakaboto ka sa kauna-unahang SK Elections noong 1992."

Sa tuwing napapanood ko ang patalastas ng Starstruck sa PinoyTV dito sa Saudi ay naaalala ko ang panahong minsan ay nangarap din akong maging isang artista. Paano ba naman, bata pa lang kami ng mga utol at pinsan ko ay itinanim na sa aming mga kukote na ang aming Lolo Bitoy ang nakadiskubre kay Ate Guy noong nagtitinda pa lamang siya ng tubig sa isang istasyon ng tren sa Bicol. Ang kuwento ni ermats sa amin, sa bahay daw nila sa Adamson Crame tumira si Nora Aunor.

Naramdaman ko ang star factor na dumadaloy sa dugo ko habang ako'y lumalaki kaya noong minsang nakita ko si Kuya Germs sa Greenhills, nagpapansin ako at nagtanong kung puwede akong maging talent niya.

Tumawa siya.

Sabi ko ay ninang ko si Matutina at ninong ko si Cesar Dimaculangan. Lalo lang siyang tumawa at sa pagkakataong iyon ay humahalakhak na siyang parang aatakihin na sa puso.

Pag-uwi ko sa bahay, nagdadabog kong sinabi sa aking erpats na bilihan niya ako ng bola. Magbabasketbol nalang ako at gagayahin ang idol niyang si Jawo. Noong magkaroon naman ako nito ay bano naman ako sa kort ng Mangoville. Hindi ko na pinangarap na mag-enrol pa sa Milo Best upang maging manlalaro sa Philippine Basketball Association.

Sinabi ko na sa blog kong Eraptions na umiikot ang buhay nating mga Pinoy sa PBA - Pulitika, Basketball at Artista. Lagpak na ako sa dalawa, kaya hindi ko na inambisyong maging pulitiko dahil senyales na iyon na wala akong pag-asa sa tatlo. Ngunit parang noong nagbitaw ang idol kong si Miriam Santiago ng pamosong linyang "I lied!", kinain ko rin ang aking mga sinabi sa pagsabak sa pulpolitika.

Saturday, November 14, 2009

Kaming Mga Gamol

"Isa kang Batang 90's kung nakita mo ang pag-usbong ng Megamall, Galleria, at Shangri-La sa kahabaan ng EDSA."

Patingin-tingin, 'di naman makabili
Patingin-tingin, 'di makapanood ng sine
Walang ibang pera kundi pamasahe
Nakayanan ko lang, pambili ng dalawang yosi

~ "Esem", Yano 


Sabi ng mga matatanda, ang mga taong ipinanganak na may nunal sa paa ay magiging lakwatsero paglaki. Tiningnan ko ang sa akin, wala naman pero tumanda akong mahilig gumala.

Lumaki ako sa Manggahan, tapat ng Kampo Crame. Kahit na sabihin mang kami ang mga unang  napeperwisyo sa tuwing may mga kudetang nagaganap, masasabi kong masarap tumira sa lugar namin dahil malapit sa sibilisasyon.

Humigit-kumulang dalawang kilometro lang ang layo ng Cubao at Greenhills mula sa amin kaya naman kapag bakante at walang ginagawa sa bahay ay doon ang aking puntahan. Bata pa lang ako ay natuto na akong gumala sa kung saan-saan. Nasa ika-limang baytang ng elementarya noong una kong marating, kasama ang aking mga barkada, ang noo'y hindi na ganun ka-sikat at hindi na rin ganun ka-sosing Greenhills. Ganun pa man, kahit na bulok na ang naabutan kong Virra Mall At Shoppesville noon, sikat pa rin ang lugar na ito sa mga baratilyo. Merong "short cut" malapit sa eskuwelahang pinapasukan ko patungo dito. Ang siste nga lang ay delikado itong daanan dahil isa itong sapa na punung-puno ng mga basura at mga naglulutangang tae. Tatalun-talon ka sa mga bato (na parang katulad sa Takeshi's Castle) upang makatawid ka mula Barangay West Crame papunta sa isang lugar malapit sa Club Filipino. Kahit na may peligrong malunod kami sa dagat ng tae ay dito pa rin kami dumadaan dahil nakakatipid kami ng dalawang sakay ng jeepney.

Kung Cubao naman ang pag-uusapan, mas gusto ko itong dayuhin noong aking kabataan dahil mas maraming puwedeng puntahan dito hindi katulad sa Greenhills. Meron ditong mga sinehan tulad ng Quezon Theater, Act, Coronet, Sampaguita, at New Frontier. Matatagpuan din sa Araneta Center ang mga malls tulad ng Rustan's, Ali Mall, SM Cubao, at Farmers Plaza kung saan may mga palaruan ng mga video games.  Ang mga "arcades" ang madalas na dinarayo naming mga bugoy doon.

Maraming mga masasayang alaalang iniwan sa akin ang mga lugar na ito. Nawala na lamang sila sa listahan ng mga paborito kong galaan simula nang magsulputan ang mga dambuhalang malls sa kahabaan ng Highway 54 noong mga unang taon ng Dekada NoBenta.

Thursday, November 5, 2009

Back Rider Mask: Kampon ng Kadiliman




"Isa kang Batang 90's kung alam mong nadawit ang Eraserheads, Rivermaya, at Yano sa isyu ng 'backmasking'."

Kapag ganitong nagsisimula na ang mga buwan ng “Ber”, nararamdaman ko na ang lamig ng Pasko lalo na sa pagligo sa umaga. Heto na ang mga panahong nagtatanda muna ako ng krus bago magbuhos ng isang tabong puno ng malamig-lamig na tubig.

Ito rin ang pinakaaantay ng mga istasyon ng radyo at mga damduhalang teevee networks upang masabi na nila ang “One hundred sixteen more days before Christmas!”. Langya, sa pagpatak pa lang ng alas-dose ng madaling-araw o unang araw ng Setyembre ay maririnig mo na  ang pamaskong awit ni Michael Jackson, ang “Give Love on Christmas Day”.

Isa sa mga paborito kong Christmas albums ay ang “Fruitcake (1996)” ng Eraserheads. Laman ito ngayon ng aking Nokia 5310 at pinapakinggan ko ang mga kanta mula rito habang ako ay nagtatrabaho rito sa kaharian ng Saudi na kilala bilang isa sa mga lugar sa mundo kung saan hindi ipinagdiriwang ang Pasko. Sa tuwing pinapatugtog ko ito ay naaalala ko ang aking nanay noong mga panahong sinisigawan niya ako dahil sa pakikinig sa mga kanta ng Queen.

Huwag kang makinig sa mga satanistang ‘yan!”, tiger scream ng ermats ko.

Connect the dots kung naaguguluhan ka sa aking munting palabok na binudburan ko pa ng malulutong na chicharong balat ng baboy.

Thursday, October 29, 2009

Ma-Erap Magsalita ng Ingles


"Isa kang Batang 90's kung alam mong mas napalapit si Erap sa masa dahil sa kanyang 'carabao English'."

Noong ako ay nasa ika-tatlong taon ng hayskul sa St. John’s Acdemy, may isang librong lubos ko talagang naibigan. Sa sobrang pagmamahal ko dito ay paulit-ulit ko pa ring binabasa ang 111-pahina nito tuwing oras ng pahinga sa tanghali kahit na tinapos ko na itong basahin noon pa sa loob lamang ng ilang minuto. Ang totoo, hinihiram ko lang sa kaklase kong si Pay De Guzman ang aklat na tinutukoy ko. Natatandaan kong ito  rin ang iniregalo niya sa isang ka-batch namin sa eskuwelahan kahit na alam naming magkakaibigan na meron na siyang kopya nito.

July 1994 ay lumabas sa mga pinakamalapit na bookstores ang "ERAPtion: How to Speak English Without Really Trial", isang paperback sa panulat nina Emil P. Jurado at Reli L. German. Ang mga gumuhit ng mga larawan at nagdisenyo ng pabalat ay sila Larry Alcala, Roddy Ragodon, Hugo Yonzon, at Noel Rosales.

Sunday, August 30, 2009

VIIIXXXMMVIII


"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga unang nanabik noong pumutok ang balitang magkakaroon ng reunion concert ang Eraserheads."

Isang taon na pala mula nang yanigin ng Eraserheads ang Pinas sa kanilang "Reunion Concert" na ginanap sa Bonifacio Global City Open Grounds. Ginulat ng Pinoy Fab Four ang masa nang sila ay magsama-samang muli upang tugtugin ang kanilang mga klasik hits sa isang hindi malilimutang gabi.
 
Hindi ko na matandaan ang eksktong detalye kung paano ko nalaman ang balita tungkol sa isa sa mga pinakamalaking gig na magaganap sa industriya ng musikang Pinoy noong nakaraang taon. Sa pagkakaalala ko ay naghahanap lang ako ng litrato nila Ely para sa desktop ng aking kompyuter at aksidenteng napadpad ako sa pook-sapot ng Philmusic kung saan may isang forum tungkol dito.  Nang mabasa ko ito ay parang gusto kong sumigaw at maglulundag nang wagas dahil sa kasiyahan. Hindi ko na namalayang nagpadala na pala ako ng sangkatutak na mga text messages sa aking mga kaibigan, kamag-anak, kakilala, at mga kaaway. Sa wakas, mangyayari na ang inaasam ng isang Eheads fan.

Saturday, August 8, 2009

Never Mind the Bollocks, Here's the 90's Best Gigs in Manila

"Isa kang Batang 90's kung nakadalo ka sa mga astig na konsyerto tulad ng 'MTV Alternative Nation Tour'."

Isa sa mga tinutugtog namin ng banda ko noong Dekada NoBenta ay ang "Bollocks sa Konsyerto" mula sa grupong Chainsaw Abortion na una naming napakinggan sa "Young Angry Bands Vol. 1" compilation album. Ito ang isa sa mga tinugtog ng grupo kong Aneurysm sa "RJ's Junior Jam" na ipinapalabas noon sa RJTV29 tuwing Linggo. Nakakatawa lang dahil napanood pala ng kaklase kong si Ryan Elefante ang gig namin at hindi niya napansing kasama ako sa tinutukoy niya noong magkakuwentuhan kami kinabukasan - "Mukhang tanga 'yung tumugtog kagabi, bollocks sa konsyerto. Ano ba yun?".

Ang salitang "bollocks" ay isang salitang nagmula sa Britanya na ang ibig sabihin ay bayag, yagbogs, itlog, o betlog. Dito sa Pinas, madalas itong gamitin sa mga konsiyerto upang tukuyin ang isang taong ubod nang kupal. Sila ang mga naniniko, nanununtok, at sadyang nananakit sa mga "slam dancing".

Mabuti nalang sa mga nadaluhan kong mga konsiyerto sa ibaba, walang mga gagong bollocks!

MTV ALTERNATIVE NATION TOUR (3 in 1 ROCK CONCERT / BAND FESTIVAL)
Foo Fighters, Beastie Boys, Sonic Youth
January 20, 1996, Araneta Coliseum


Para sa akin, ito ang "bestest concert" ng Dekada NoBenta. Ang mga bandang kasali rito ay mga bigatin sa genre ng musikang alternatibo. At take note, mga sikat pa sila noong dumalaw sila sa ating bansa!

Ano'ng Sinulat ni Enteng at Joey


"Isa kang Batang 90's kung alam mong si Tito Sotto ang utak sa 'Alapaap Controversy'."


One day in the year of the pig, August 1995, nagising si Tito Sotto sa maling puwesto ng kanyang kama. Malamang ay nabulabog siya ng malakas na mga speakers ng kanilang kapitbahay na "Alapaap” ng Eraserhead ang pinapakinggan. Naalimpungatan siya at nasira ang tulog, at bigla nalang may pumasok sa kanyang kukote -“Eureka! Parang pang-adik ang kantang 'yun ha.”

Nagulat nalang ako isang umaga nang makita sa teevee ang mga bandang sumisikat noong mga panahong iyon. Kinokondena at pinapaimbestigahan ang ilang mga kanta mula sa Eraserheads, Teeth, at Yano. Ayon sa senador at kanyang mga alipores sa Junior Drug Watch, ang  “Alapaap” ay isang awitin tungkol sa droga kaya dapat itigil ang pagpapatugtog nito sa radyo. Nabasa raw nila umano sa liriko ang tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na shabu. An "Ode to Drug Abuse" ang ginamit ng mga nagmamarunong upang tukuyin ang mensahe ng awit. Sa mga panayam na napanood ko noon, ilang beses na pinangalandakan ng Eheads na ito ay tungkol sa kalayaan, "Ode to Freedom", at hindi tungkol sa kung ano pa mang paksyet. Wala ni-isang salitang tungkol sa droga ang binanggit sa kanta kaya nasa tao nalang daw kung paano ito bibigyan ng kahulugan.

↑↓↑↓← →← → B A


"Isa kang Batang 90's kung naadik ka sa kalalaro ng Family Computer."

↑↓↑↓← →← → B A.

Every kid of the 90’s knows what this is. It’s not an out of this world code that needs to be deciphered. Even God knows it.

Originally released in 1983 by Nintendo, the Family Computer game console reached its popularity here in our country in the early 90’s.

Dahil nga sikat ito lalo na sa mga kabataan, isa ako sa mga nangarap na magkaroon ng hi-tech na laruang ito. Nakikilaro lang ako noon sa dati kong bespren na si Jepoy. Sabi ko sa erpats at ermats ko noon ay gagalingan ko sa eskuwelahan basta't bibilihan nila ako ng pangarap kong jackpot. Lumipas ang maraming panahon, nakikilaro pa rin ako sa mga kapitbahay naming mapera o kaya ay nakikinood sa bintana ng mga anak ng Japayuki. Mabuti nalang noong nakatanggap ako ng medalya para sa ikalawang karangalan noong ako ay nasa ika-limang baytang ng elementarya ay pinadalahan ako ng pera ng aking lolo at lola kong nasa sa Hong Kong para makasabay sa uso.

Medyo mahal pa ang Family Computer noon, parang bumili ka na rin ng Playstation 3 kung ikukumpara ngayon. Sa awa ni Bro, nagkasya ang one thousand five hundred pesotas na regalo sa akin. Hindi ko na maalala kung ano ang tatak ng nabinili namin sa Deeco Farmers Plaza sa Cubao noon. Basta ang naaalala ko ay isa siyang japeyks mula sa China at napakalayo ng itsura sa Nintendo. Sabi ko ay okay na ‘yun kaysa sa wala. Kasama naming bumili ang pinsan kong si Bambie noon. Iyak siya nang iyak at hindi mapatahan dahil naiinggit sa akin. Ganun katindi ang NES sa mga kabataan.

Pag-uwi namin sa bahay ay mas sikat pa ako kay Cachupoy.

(Gee Weez) Heart Songs



"Isa kang Batang 90's kung may mga kanta kang paborito noon na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinagsasawaang pakinggan." 

Heart Songs
by Weezer

Gordon Lightfoot sang a song about a boat that sank in the lake at the break of the morn'
and a cat named Stevens found a faith he could believe in and Joan Baez
never listened to too much jazz but hippie songs could be heard in our pad
Eddie Rabbit sang about how much he loved a rainy night
Abba, Devo, Benatar were there the day John Lennon died
Mr Springsteen said he had a hungry heart
Grover Washington was happy on the day he topped the chart

These are the songs...
these are my heart songs
they never feel wrong

and when I wake for goodness sake...
these are the songs I keep singing

Quiet Riot got me started with the banging of my head
Iron Maiden, Judas Priest, and Slayer taught me how to shred
I gotta admit though, sometimes I would listen to the radio
Debbie Gibson, tell me that you think we're all alone
Michael Jackson's in the mirror
Gotta have faith if I wanna see clear
Never gonna give you up, this new love a wishing well
It takes two to make a thing go right, if the fresh Prince starts a fight
Don't you worry for too long 'cause you know...

The 90's Rockers' Ultimate Music Challenge



"Isa kang Batang 90's kung hanggang ngayon ay kabisado mo pa ang mga lyrics ng mga kantang sumikat sa Tate noong 90's." 



Kung sa tingin mo ay hindi ka posero noong Dekada NoBenta, try giving the titles and artists of the following lyrics. You may download the Microsoft Excel Version from HERE.

Para sa lahat ng mga namulat sa Panahon ng Grunge.

Para sa lahat ng mga nahilig sa Alternative Rock.

Para sa lahat ng mga taong namuhay sa musika ng Metal at Rock scene.


1.     Keep my feet on the ground, Keep my head in the clouds
2.     A man builds a city with banks and cathedrals
3.     Ain't find a way to kill me yet
4.     And I'll cry for you, yes I'll die for you, pain in my heart it is real
5.     Ain't got no future or a family tree, but I know what a prince and
        lover ought to be
6.     And I don't want you and I don't need you
7.     And then there she was like double cherry pie
8.     And in the end we shall achieve in time the thing they call divine
9.     Boys and things that come by the dozen, that aint nothin but
        drugstore lovin
10.   And she never told me her name
11.   But if I cant swim after forty days and my mind is crushed by the
        thrashing waves
12.   Are you the guy on the beach who hates everything?
13.   And I wonder when I sing along with you
14.   All of my life, where have you been?
15.   Bullshit three ring circus sideshow of freaks
16.   But that kind of love is the killing kind
17.   I am weak but I am strong, I can use my tears to bring you home
18.   I am the astro-creep, a demolition style, hell American creep
19.   Hey Andy, did you hear about this one? Tell me, are you locked in
        the punch?
20.   Hearts and thoughts they fade, fade away
21.   God begs me, the more I see the light he wants to see
22.   Give me a word, give me a sign
23.   Fuck you, I won't do what you tell me
24.   Frustrated Incorporated, Frustrated Incorporated
25.   Doesn't anybody ever know?
26.   Communication, a telephonic invasion, Im planning my escape
27.   Came in from a rainy Thursday on the avenue
28.   But you're gonna have to hold on, we're gonna have to move on
29.   But when they finally made her, they saw birthmarks all over her
        body
30.   But the air outside so soft is saying everything
31.   I asked you to go to a Greenday concert, you said you never heard
        of them
32.   I got two turntables and a microphone
33.   I don't wanna take advice from fools
34.   I got my head, but my head is unraveling
35.   I guess I'm lookin for a brand new place, is there a better place for
        me?
36.   I got my head checked by a jumbo jet
37.   I had a million dollars but I'd, I'd spend it all
38.   I don't mind the sun sometimes, the images it shows
39.   I feel that I'm ordinary just like everyone
40.   I will paint my picture, paint myself in blue and red and black and
        gray
41.   I miss my bed, I'll die in it
42.   I sit around and watch the phone but no one's calling
43.   I can't feed on the powerless when my cup's already overfilled
44.   I wish I would've met you
45.   I wish I could eat your cancer when you turn black
46.   I remember running through the wet grass and failing a step behind
47.   I need to change not to immitate but to irritate
48.   I got a picture of a photograph
49.   I got pleasure spiked with pain
50.   I'm here to remind you of the mess you left when you ran away
51.   Jimmy, we need to borrow this for a minute 'cause we need to
        escape
52.   I won't be held responsible, she fell in love in the first place
53.   In the eyes of a passerby I look around for another try and fade
        away
54.   It's not a habit, it's cool, I feel alive
55.   I wish you would step back from that ledge my friend
56.   In the stone, under the dust, his name is still engraved
57.   I've changed my mind, I take it back
58.   If for honesty you want apologies, I dont sympathize
59.   I'll be you're whatever you want, the bong in this Reggae Song
60.   Just like the pied piper led rats to the streets
61.   Kissing the bride, 45 minutes a side
62.   Life is ours, we live it our way
63.   Little fish, big fish swimming in the water, come back here man,
        gimme my daughter
64.   She totally confused all the passing piranhas
65.   She thinks she missed the train to mars
66.   She came over, I lost my nerve, I took her bag and made her desert
67.   She calls me Goliath and I wear the David mask
68.   Seems to me girl you know Ive done all I can
69.   Scars are souvenirs you never lose
70.   Riding on anything, anything's good enough
71.   Refuse / Resist
72.   Psychosomatic addict insane
73.   Our love is like water
74.   Oh my darling will you be here, before I sputter out
75.   No change, I can't change, I can't change, I can't change
76.   Maybe I don't really wanna know how your garden grows
77.   Make up your mind, decide to walk with me around the lake tonight
78.   Swallowed the pill, drank to the fill
79.   Tell me all your thoughts of God 'cause I'm on my way to see Her
80.   The messiah is my sister, ain't no king man, she's my queen
81.   This is my final fit, my final bellyache
82.   So if you really love me, then darling don't refrain
83.   So if you really love me, say yes, but if you don't, dear, confess
84.   So listen up 'cause you can't say nothin'
85.   Swim out past the breakers, watch the world die
86.   The things you say, your purple prose just gives you away
87.   You've got your ball, you've got your chain tied to me tight, tie me
        up again
88.   You're on your own now, we won't save you, your resque-squad is
        too exhausted
89.   Your contribution left unnoticed some, association with an image
90.   You say that we've got nothing in common
91.   Yesterday I got so old, I felt like I could die
92.   Why we have to live with so much pain everyday?
93.   You do something to me that I can't explain
94.   Will there be another race to come along and take over for us?
95.   You better watch yourself when you jump into it 'cause the mirror's
        gonna steal your soul
96.   Warm sun, feed me up and i'm leery loaded up
97.   What would you do if my heart was torn in two
98.   Well I guess you took my youth and gave it all away
99.   When fire meets powder, you take your cover
100. Whatsoever I've fought off became my life


Enjoy!!



Pag-Ibig Ko'y Metal

"Isa kang Batang Nineties kung nasaksihan mo ang hidwaan sa pagitan ng mga metal at mga hip-hoppers."

Noong ako ay magtapos ng haiskul, binansagan akong “Most Rock Fanatic” sa aming yearbook. Sa totoo lang, para akong si Ka Ernie Baron dahil itinuturing akong isang "walking rock music encyclopedia" na nakakaalam ng mga kasagutan sa kung ano ang bago at kung ano ang meron sa rock music scene.


Ang hindi nila alam ay nahilig din ako dati kina Vanilla Ice at MC Hammer. Oo, ako ay naging isang hip-hopper na gustong matutunan ang lahat ng lyrics ng bagong rap song at umindayog sa latest dance groove. 'Yun nga lang, 'di ako natuto kahit isa. Frustrated pa rin hanggang ngayon.

Noong ako ay nasa grade six, sila Francis M., Andrew E., at Michael V. (rapper pa siya noon) ang mga iniidolo ko sa larangan ng musika. Inaabangan ko palagi sa 89.1 DMZ (Dance Music Zone) 'yung remix ng mga hit songs nila para i-record sa blank tape. Noong Christmas party nga namin, may ginawa akong remix / sagutan version ng “Humanap Ka ng Panget” at “Maganda ang Piliin” tapos nakipag-showdown (lip synch) ako sa barkada ko. Tuwang-tuwa yung mga klasmeyts at adviser namin.
Sino ba namang ‘di matutuwa sa mga rappers noong mga panahong 'yun? Ang sagot, MARAMI rin pala!

Noong ako ay nagbibinata, napapadaan ako sa tambayan ng mga kababata ko kapag papasok sa eskuwelahan at uuwi ng bahay. Parang mga adik ang tingin ko sa kanila kaya ‘di ako nakikihalubilo sa tropa. Eh medyo nerd pa ako noon kaya hindi rin nila ako pinapansin.

Hanggang sa isang araw, sa pangungulit ng pinsan kong si Badds, pinakilala ako sa grupo. Si Melvin agad ang bumulaga sa akin ng “Ah, siya pala 'yung pinsan mong PA-PEE-YO”. Letse, 'di ko naintindihan 'yung sinabi niya pero parang nainsulto ako kaagad. Lalo na nung sinabi niya na disco lang daw ang alam ko at sa DMZ ako nakikinig. Na-challenge ako sa mokong na ‘yun. Pero salamat sa kanya dahil ang pagtatagpong iyon ang gumabay sa akin papunta sa tamang landas!

Pag-uwi ko sa bahay, sinabihan ko si Badds na pahiramin niya nga ako ng cassette ng mga pinapakinggan nila. Parang ready naman siya at nilabas yung “Greatest Hits” ng Queen. Sabi pa niya, “Pakinggan mo yung ‘Under Pressure’, doon kinuha ni Vanilla Ice yung 'Ice Ice Baby'". Parang naging interesado ako dahil idol ko ang kanyang binaggit. Matapos ang ilang ulit pang pakikinig sa mini-karaoke machine namin, nagustuhan ko na ang pang-birit na boses ni Freddie Mercury at killer guitar riffs ni Brian May. Napapagalitan na ako ni ermats dahil ang ingay daw ng pinapatugtog ko. Natanggap na ako ni Melvin sa grupo nila at napatambay na rin ako sa kanila kung saan madalas kaming nakikinig ng mga glam rock idols niya tulad ng Extreme, Aerosmith, Warrant, Poison, at Guns N’ Roses. Inalam ko rin lahat ng detalye sa mga bandang kinahihiligan ko.

Ang hindi ko talaga makakalimutan sa lahat ay ang panahong pinarinig sa akin 'yung “Nevermind” album ng Nirvana. Kahit na “Aling Nena...” ang pagkakarinig ko sa last lines ng “Smells Like Teen Spirit”, sila Kurt Cobain, Krist Novoselic at Dave Grohl ay bigla kong inidolo na parang mga diyos ng rakrakan. Ang lufet ng tugtugan ng trio na ito sa loob-loob ko. Tatlo lang sila pero ang ingay. Nakakapagod. Nakakatanggal ng stress at galit sa mundo. Umaalingawngaw sa buong mundo ang tunog ng Seattle noon kaya nakilala ko rin sila pareng Chris Cornell, Eddie Vedder at Layne Staley.


Certified METAL na ako noong mga panahong iyon kahit na grunge naman talaga ang aking hilig. Oo, "metal" ang tawag dati sa mga taong mahilig sa rock. Hindi pa uso ang salitang "rakista" noon;  "rockista" baka puwede pa, pero mas sikat ang pantawag na "metal". Isa na ako sa mga galit sa hip-hoppers kahit na dati rin naman akong mahilig sa maluwg na pantalon.

Hindi ko alam kung kalian nagsimula ang hip-hop bashing noong Dekada NoBenta. Basta ang alam ko, bigla nalang kaming nahilig makinig sa LA105.9 para antayin yung mga beeper messages laban sa mga paksyet. “If you have messages for the hip-hoppers, you may send them through Easycall 246142”. Pagkatapos ng ilang kanta ay babasahin ni The Doctor 'yung mga uncensored messages. Ang LA105.9 ay isa sa mga pinakamaimpluwensyang istasyon sa radyo noong panahon ng gitara. Mantakin mo, napag-away nila ang mga hip-hoppers at metal.

Mga hip-hop, magtanim nalang kayo ng kamote…Mga hip-hop, mag-ingat kayo kasi aabangan namin kayo sa Megamall… Mga hip-hop, magtago nalng kayo sa saya ng nanay  niyo.” Suwerte mo kung mabasa pa ang message mo sa dami ng mga nagpapadala.

Ang malufet sa station na ‘yun, may mga pagkakataong may mga nagbi-beep (daw) na hip-hoppers. Babasahin nila ito kaya lalong magagalit ang mga metal at tatawag sa operator para makipagsagutan.

Isa pa sa natatandaan kong ginawa ng LA105.9 ay pinag-guest nila si Robert Javier ng The Youth. Kinanta nila yung “Multong Bakla” pero iba ang lyrics tapos ginawang “Multong Hip-Hop” ang title. Parang naging mortal sin ang pagiging hip-hopper dati.

Sa mga malls, mahirap makapasok kapag grupo kayong pupunta. Haharangin lang kayo ng guard kapag nakita kayong lahat na nakaitim na rock shirts. Ang tingin sa inyo ay mga basagulero, adik, satanista at kung anu-ano pang wala nang mas sasama pa. Ganun din ang sa mga hip-hoppers na sumasayad ang mga crotches sa sahig, hirap silang makapasok sa malls kapag sama-sama. Away o gulo lang ang tanging nakikita ng mga jaguars sa dalawang grupo.

Marami akong karanasan na nakitang naghahabulan ang mga hip-hoppers at metal sa Robinson’s Galeria at SM Megamall. Talagang nag-susuntukan dahil lang sa simpleng asaran. Kaya madalas may mga headlines sa tabloids dati tungkol dito.

Tumindi lalo ang tensyon sa pagitan ng dalawang tropahan nang gumawa ang isang hip-hop group g kantang pinamagatang “Bolanchaw”. Hindi ko alam ang taang pagkakabaybay pero ang ibig daw sabihin nito sa salitang Intsik ay "walang bayag". Nakakaasar naman talaga yung chorus na ”Bolanchaw, bolanchaw, ang mga punks ay bolanchaw...”.

Kapag nagpupunta kami sa mga konsyerto, kawawa ang mga nakakasalubong na hip-hoppers ng mga punks. Bugbog-sarado. Pero wala naman akong nabalitaang may kinatay talaga, bugbugan lang.

The "hidwaan" ay nagtapos nang ang mga tulad ng Rage Against the Machine ay sumulpot. Biglang naisip ng mga metal na puwede palang mag-rap kasama ang gitara. Lumabas ang Erectus, Skrewheds, Dogbone at iba pang mga banda. 'Yung LA105.9, biglang naging taga-suporta ng alterna-rap. Naging tambayan na ng mga hip-hoppers at metal ang skating rink ng Megamall. Peace na sila sa wakas.

Kapag naaalala ko ang panahon ng "hip-hoppers vs. metal", ang tanging naaalala ko ay si Punk Zappa, ang makulit na karakter ng album filler ng Circus album mula sa Eraserheads. Ang malufet niyang bitiw ng mga salita ay sumasalamin sa panahong hip-hop-phobic ang mga kabataang Pinoy.





The Tone Def Collection: Rock Revolution (Volumes 1 and 2)


"Isa kang Batang 90's kung may mga alam kang albums na produced ng Tone Def Records."

When we talk about revolution, we talk of a dramatic and wide-reaching change. So why would Ivory Records release a compilation album with “rock revolution” in its title? The answer is simple, the two-volume CD compilation is a collection of some of the best songs produced by Tone Def in the years 1994 to 1997.

For those who have already forgotten, Tone Def is one of the record labels which surfaced during the Nineties and supported the independent music scene. If your band that time is not that “pop”, you cannot make it to major recording companies catering to the mainstream audience. If you’re not pop, then you are the alternative. Hence, “alternative music” became a growing trend.

Outside the country, grunge is the music revolution happening at Seattle in the early 90's. At the same time, the local scene was also cooking up their own version which will later be known as “Pinoy Alternatib”. There were a lot of bands emerging and it was evident in their music that the Nineties is destined to become the Golden Age of Pinoy bands. Of course, we are still grateful to the roots that influenced them.

Eheads on GMA7: The Final Disappointment


"Isa kang Batang Nineties kung nangarap kang sana ay magkaroon ng reunion concert ang Eheads matapos silang ma-disband."

Smart and GMA 7 made history by bringing back The Eraserheads to do their “Final Set” concert on March 7, 2009 at the Mall of Asia Open Grounds. Now, they made another history by airing the said concert on GMA's Sunday Night Box Office last April 5, 2009.

I was one of the thousands of people who went to see the Pinoy Fab Four. Though we were just at the general patronage area, the feeling that night was very special for devoted fans like me. We were grateful that Smart together with other companies made an event to see them play for the last time.

Here is their playlist during the concert. The band played a total of 29 songs that night:

1st Set

1.Magasin
2.Walang Nagbago
3.Maling Akala
4.Maskara
5.Poor Man's Grave
6.Waiting for the Bus
7.Huwag Mo Nang Itanong
8.Slo Mo
9.Alkohol
10.Insomya
11.Torpedo

Dekada Nobenta


Dekada NoBenta. Ang sarap balik-balikan dahil siguro ay nabitin ako sa panahong ito. Sabi nga nila, “I’m still living with its ghost”. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari noong nineties na malaki ang naging epekto sa kasalukuyang henerasyon.

Nasubukan mo bang tumawag sa operator para magpadala ng "beeper message" sa iyong kasintahan? Kilala mo ba sina Mario at Luigi na nagpasikat ng malufet sa Nintendo? Ano ang paborito mong kanta ng Eraseheads noong ikaw ay nagbibinata o nagdadalaga? Naniwala ka rin bang nanganganak ang mababangong "kisses" kapag inalagaan mo ito ng mabuti?

Sa isang Batang 90's na tulad ko, ang mga "pagbabalik-tanaw" ay tunay na nakakapagbigay ng kakaibang saya at ngiti kaya naman naisipan kong ibahagi sa mga tulad ko at mga taong interesado ang aking mga kuwentong-karanasan sa pamamagitan ng walang kuwentang tambayan na ito.

Maraming nangyaring masaya at malungkot sa buhay nating mga Pinoy noong dekadang iyon. 'Yung iba, kasing-tindi ng July 16, 1990 earthquake na mahirap malimutan habang ang iba naman ay parang one hit wonder tulad ng "Macarena" na saglit lang pero nakapagbigay naman ng kulay sa buong mundo.

Habang nandito ka sa mundo ko, palagi mong maririnig si Ida na sinasambit ang "Time space warp, ngayon din!".


Para sa mga puna at komento, SUBUKAN MO AKO: